Reader Spotlight: Episode 1

Is the GS LRC your favorite place in school? Is reading one of your favorite things to do? If so, you could be our next Reader on Spotlight!

The Reader Spotlight celebrates students who are passionate about reading and see the LRC as a special place in Xavier School. It’s your chance to shine, share your love for books, and inspire others with your library adventures!

Check out the video below to meet Gavin from 2A! He reveals why he loves visiting the LRC, the kinds of books that spark his interest, and his favorite cozy reading spot. Who knows—you might share the same favorites as Gavin!

Start your journey to becoming the next Reader on Spotlight by visiting the LRC and diving into the world of books. Happy reading, and we can’t wait to see you in the spotlight!

[Recap] Here’s to our G.O.A.T.s: the GS LRC celebrates A-Day!

Every year, when September rolls around, the entire Xavier School community buzzes with excitement, as it means only one thing: A-Day season is here! This is a time when students showcase their appreciation for the hard work of their teachers, school staff, and community helpers, expressing their gratitude through various forms of recognition. 

The Grade School unit celebrated the event with the theme Eyyyday: Cheers to our G.O.A.T.s (Greatest Of All Time) to honor the significant impact teachers have on our students’ lives. 

The GS LRC by holding a variety of enjoyable activities at the library for both teachers and students.

  1. Who’s That ‘Cher? : Teacher Trivia Contest

The GS LRC is known to hold trivia contests during special occasions, and A-Day is no different! The librarians compiled fun facts submitted by the teachers about themselves, and made students guess who among their teachers the trivias were referring to. Each entry was accompanied by a couple of hints that our young guessers could use to make their deductions. 

Students were eager to field their guesses, and some even went as far as asking their teachers which item referred to them! It’s always exciting to get to know your teachers outside the classroom, after all.

  1. Board Game Day with ‘Chers

Core memories were made when teachers were invited to join the students for Board Game Day! Grade 5 and 6 students, along with some LRC Ambassadors, duked it out with their teachers on various board games, such as Twister, UNO Flip and Jenga.

  1. BooXS to Go

The LRC goes mobile twice a year, bringing the library experience to the workrooms of the Grade School unit. Bringing books that span various subjects and interests, from professional to leisure titles, faculty members and office staff are able to browse through the library’s more recent acquisitions.

Teachers who borrowed books from the roving book cart had the chance to win prizes, including snacks and gift certificates from Starbucks and Fully Booked.

A heartfelt thank you to all the teachers and students who joined this year’s A-Day activities at the LRC! Your enthusiasm and active participation played a huge role in making the event a success. We can’t wait to bring you even more fun and exciting activities for next year’s celebration.

To our amazing teachers—thank you for everything you do! The GS LRC wishes you a joyful and memorable A-Day!

[Recap] Cheers to our G.O.A.T.s!: EED LRC ADay 2024 Activities

In celebration of A-Day with the theme Eyyyday: Cheers to Our G.O.A.T.s (Greatest of All Time), the EED LRC prepared fun activities for the teachers, such as “Brews and Bites” with unlimited coffee and bread for the day, a photo booth, raffle prizes, and games.

This year, we introduced a Minute To Win It: Shelve It game, where teachers had to rearrange books in the correct order according to their call numbers, with just one minute to complete the task. The participant who finished in the shortest time would be declared the winner.

Teachers were encouraged to borrow professional books to play the game, and some were lucky enough to take home exciting prizes, including snacks and gift certificates from Starbucks and Fully Booked. The teachers truly enjoyed both the game and the photo booth.

To our incredible teachers—your dedication and support make all the difference, not only on A-Day but every single day. We are so grateful for everything you do to inspire and guide our students.

Happy A-Day!

[Recap] Palarong Pinoy sa GS LRC

Noong nakaraang buwan ng Agosto, masiglang nakiisa ang GS Learning Resource Center sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng pagdaraos ng ika-dalawang taon ng Palarong Pinoy sa LRC. Inimbitahan ang mga mag-aaral na makilahok at makisaya sa paglalaro ng mga natatanging larong Pinoy tulad ng piko, holen, at ang makabagong bersyon ng LIBRO-rock (limborock). Ang masiglang selebrasyong ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan at pagpapahalaga ng paggunita ng kultura at wikang Filipino habang naghatid ng saya at pagkakaisa sa mga mag-aaral.

Masayang nakilahok ang mga mag-aaral sa mga palaro na inihanda ng LRC, isa na rito ang piko kung saan pinilahan at binalik-balikan ito ng mga bata. Wala mang pamato na nakahanda na gamitin, mabusisi pa ring kinumpleto ng mga nakilahok ang pagtalon sa tamang kahon gamit ang isa o dalawang paa base sa disenyo. Narito ang ilang mga larawan at bidyo kung saan nagpakitang gilas ang mga estudyante ng koordinasyon, balanse, at pakikipagkumpitensya—isang patunay ng buhay at diwa ng kulturang Pinoy.

Hindi rin nagpahuli ang mga estudyanteng nagpakita ng natatanging liksi at balanse sa larong LIBRO-rock. Pinatunayan nila ang husay ng kanilang katawan sa kakaibang bersyon ng limborock na ito. Sa halip na simpleng dumaan lamang sa ilalim ng laso, kinailangan ng mga kalahok na humawak o yumakap ng isang libro habang maingat na tumatawid. Habang dahan-dahang ibinababa ang laso sa bawat round, pahirap nang pahirap ang hamon, at kinakailangan nilang mahusay na iliyad ang kanilang mga likod nang hindi nalalaglag ang aklat.

Ang mga manlalarong nakatawid nang may tamang balanse at liksi, gamit lamang ang kanilang mga likod at binti upang yumuko, ang siyang mga nagwagi. Tignan ang ilan sa mga masasayang larawan at bidyo na nagpakita ng tuwa at kasiyahan ng mga kalahok at tagapanood.

Ipinamalas rin ng mga estudyante ng Xavier School ang kanilang teamwork at sportmanship sa larangan ng holen. Dito ay nasubok ang kanilang husay sa pagpuntirya sa target gamit ang kanilang mga daliri sa pagpitik. Ang layunin ay patamaan ang mga holen ng kalaban o ipasok ang sariling holen sa target na lugar, —isang maliit na bilog sa sahig ng Storytelling Area. 

Hinati ang mga kalahok sa dalawang grupo: Baitang 5 at 6 para sa mataas na baitang, at Baitang 2 at 4 laban sa Baitang 3 para sa mababang baitang. Sa mataas na baitang, itinanghal na kampeon ang mga nasa ika-6 na baitang, habang mabuting tinanggap ng ika-3 baitang ang kanilang pagkatalo. Ang mga naglaro ay hindi lamang nagpakita ng kasanayan at diskarte, pinakita rin ng mga manlalaro ang maingat na pagpitik at tumpak na koordinasyon, na siyang nagbigay-diin sa halaga ng pagkakaisa at pagiging patas sa laro.

Pagmasdan ang ilan sa mga sandali kung saan ipinamalas ng mga estudyante ang kanilang teamwork at competitiveness.

Sa kabuuan, ang ikalawang taon ng Palarong Pinoy sa LRC ay naging matagumpay na selebrasyon ng kasiyahan, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Sa pamamagitan ng mga larong tulad ng piko, holen, at LIBRO-rock, naipamalas ng mga mag-aaral hindi lamang ang kanilang liksi, diskarte, at balanse kundi pati na rin ang tunay na diwa ng pagiging isang batang Pilipino—ang pagpapahalaga sa tradisyon at pagdiriwanng kulturang Pinoy.

Ang tagumpay ng okasyong ito ay isang patunay ng mahalagang papel ng LRC sa pagpapalaganap ng pagkakakilanlan at kultura ng Pilipinas sa masigla at masayang paraan. Higit sa lahat, ito’y nagbigay-daan upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang galing, sigla, at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. 

Inaaanyayahan ang lahat na sumali muli sa susunod na taon; ibahagi ang iyong talento at husay na nagpapakita sa pagkakakilanlan ng isang batang Pilipino!

[Recap] Buwan ng Wika sa EED LRC

Tuwing buwan ng Agosto ay ating ipinagdiriwang sa buong bansa ang Buwan ng Wikang Pambasa. Ito ay alisunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-3. Bilang pakikiisa sa pagdiwirang na ito, madaming gawain ang inihanda ng Mababang Paaralang Xavier upang mas maipalaganap sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng ating sariling wika at kultura at maipakita ang ating pagkakaisa at pagmamahal sa ating bayan.

Ang EED LRC ay naghanda din ng mga aktibidad para sa mga magaaral ng Kinder at Grade 1.  Layunin ng mga aktibidad na ito na hikayatin at maipkita sa mga mas nakababatang mag-aaral na maaring maging masaya at nakatutuwa ang pagaaral ng wikang at kulturang Filipino. 

Kabilang sa mga larong inihanda ay ang Bato-Bato Pick, isang simpleng laro na madalas nilalaro ng mga bata. Kilala rin ito bilang Jack-en-Poy o Rock-Paper-Scissors. Bukod dito, masayang nakisali ang mga mag-aaral ng Grade 1 sa larong Filipino tongue twisters, kung saan kailangang mabilis na bigkasin ng mga kalahok ang mga pariralang tulad ng “Botika, Bituka, Butiki,” “Kakaba-kaba kaba?” at “Pitumpu’t pitong puting tupa.” Mayroon ding ilang awiting pambata sa roleta, tulad ng “Paa, Tuhod,” at “Ako ay May Lobo.”

Upang mas maging kaaya-aya ang pagdiriwang, pinalamutian din ang storytelling area ng mga bagay na sumisimbolo o nagpapakita ng pagdiriwang o pista sa Pilipinas. Gaya ng mga banderitas sa itaas ng isang bahay-kubong gawa sa papel, at isang hapag-kainan na may mga litrato ng masasarap na pagkaing Filipino, tulad ng lechon, kare-kare, adobo, panghimagas na halo-halo, mga kakanin, at iba pa. 

Hangad ng mga paghahandang ito na maipakita sa mga nakababatang miyembro ng Mababang Paaralang Xavier kung gaano kakulay at kaganda ang kultura nating mga Filipino. Nawa’y maging simula ito ng kanilang pagkagusto na mas lalo pang sanayin at gamitin ang ating wikang pambansa, at mas kilalanin pa ang ating kultura.