Local Author of the Month: Rene Villanueva

imagesSi Rene O. Villanueva ay isang tanyag na manunulat ng mga librong pambata, mga dula, at mga dayalogo sa telebisyon at pelikula. Isinilang si Villanueva noong ika-22 ng Setyembre 1954 sa La LomaLungsod ng Quezon, sa mag-asawang Francisco at Vicenta Villanueva. Nakapagtapos siya ng kursong Kasaysayan sa Lyceum of the Philippines noong taong 1969.

Nagsimulang magsulat ng mga dula at libro para sa mga bata si Villanueva noong dekada ’70 at nailimbag ang mahigit limampung librong siya ang may akda mula noon. Nakamit niya ang kanyang unang gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1980 para sa isang maikling dulang pinamagatang “Kumbersasyon.” Isa lamang iyon sa marami niyang akda na nabigyang gantimpala at nagluklok sa kanya sa Palanca Hall of Fame noong 1995. Isa siya sa mga unang nagsulat para sa serye ng Aklat Adarna. Dati rin siyang prodyuser ng programang pambata na “Batibot” na sumikat noong dekada ’80. Siya ang naging ikalawang patnugot ng isang seksyon ng Diyaryo Pilipino; patnugot ng Diliman Review; sanggunian ng “Children’s Communication Center”; orihinal na punong manunulat ng “Philippine Sesame Street Project”; at malikhaing director ng “Philippine Children’s Television Foundation, Inc.” Naging pangalawang propesor si Villanueva ng Departamento ng Pilipino sa Kolehiyo ng Sining at Letra ng Unibersidad ng Pilipinas. Kasabay nang pagsusulat at pagtuturo ay naging miyembro din si Villanueva ng “Likhaan: U.P. Institute of Creative Writing,” Galian sa Arte at Tula, “U.P. Writers Club,” Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, at “The Writers Bloc, Inc.”. Ginawaran siya ng Gawad CCP Para sa Sining (Literatura) noong 2004, at nahirang siyang Pinakamahusay na Alagad ng Sining sa 2005 Gawad Chanselor sa UP. Nabibilang si Rene Villanueva sa unang hanay ng mga manunulat na naisama sa Hall of Fame ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.

MGA AKLAT NI MR. RENE VILLANUEVA NA HUMUBOG SA KAALAMAN NG MGA GURO AT MAG-AARAL :

  • Ang Batang natutong maging matapang = The Child who learned to be brave
  • Alamat ng atis = The Legend of the custard apple
  • Kumusta!
  • Maghapon ni Bong = Bong’s day – Ang karamihan ay gusting hiramin
  • Okaka-okaka, ang batang palaka
  • Tubig: ano ang magagawa ng tubig

Sanggunihan: http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Rene_O._Villanueva

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s