Video

Author of the Month: Virgilio Almario

virgilio almarioSi Virgilio Almario ay isinilang sa San Miguel, Bulacan noong Marso 9, 1944 at kilala sa taguring “Rio Alma.” Lumaki siya sa isang komunidad ng magsasaka sa panahon ng pag-aalsa ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP) noong dekada singkuwenta.  Siya ay isang makata, kritiko, tagasalin, editor, guro at tagapamahalang pangkultura ng Pilipinas.

Nagsimula ang buhay niya bilang makata noong kumuha siya ng ilang yunit sa kursong edukasyon sa University of the East noong 1963.  Naging malawak ang kaalaman tungkol sa panulaan sa daigdig, lalong-lalo na sa makabagong panulaan. Ang saklaw ng kanyang mga paksa ay ang kalikasan, pag-ibig at mga problemang pangkasalukuyan.  Ang kanyang katanyagan bilang tagapagsalin ng mga tula, dula at nobela, lalo na ng mga akda ni Jose Rizal tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo (1999) ay nagkamit ng gantimpalang Best Translation of Rizal as novels.   Nakatanggap din siya ng parangal at pagkilala mula sa iba’t ibang prestihiyosong institusyon tulad ng  Palanca Awards, , Ten Outstanding Young Men Award for literature (TOYM), at Southeast Asia Write Award mula sa Bangkok, Thailand.  Nagtamo ng gantimpala mula sa Cultural Center of the Philippines at naging Makata ng Taon ng Komisyon ng Wikang Filipino. Hinirang din na Outstanding Citizen ng Dangal ng Lipi Award at  Gantimpalang Quezon.  Itinampok siya sa Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura noong 2003.

Bukod sa mga nilikha niyang tula, dula, nobela at iba pa, si Virgilio Almario ay isa ring tanyag at premyadong akda ng mga panitikang pambata.  Pinangunahan niya ang isang proyekto noong 1977 para sa Nutrition Center of the Philippines na naglalayong palawigin ang panitikang pambata.  Dito umusbong ang kasalukuyang kilalang aklat Adarna, ang kauna-unahang aklat pambata para sa kabataang Pilipino.author of the month

Photo taken from:

Gulle, Ramil Digal. (n.d). INKCANTO: Virgilio Almario: ” I simply coudn’t shake off obligation to the other National Artists.  Philippine News.  Retrieved August 8, 2013, from  http://www.philippinenews.com/read/latest-news/12013-inkcanto–virgilio-almario-i- simply-couldnt-shake-off-the-obligation-to-the-other-national-artists.html

Adarna House. Retrieved August 14, 2013, from http://adarna.com.ph

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s