Reader of the Month: Mrs. Ivy Enaje

IVY2          Tampok sa ating Reader of the Month ay isang Guro at Puno ng  Kagawaran ng Filipino sa Mababang Paaralan. Ayon sa kanya ang pag-aaral at pagbabasa ng Filipino ay isa sa mga unang hakbang upang mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan sa kulturang Filipino. Sa pamamagitan ng mga kuwentong Filipino, madali natin malilinang ang pagpapahayag sa wikang Filipino.

        Noon pa man ay mahilig na magbasa si Gng. Enaje ng Maikling Kwento at Nobela na hango sa Liwayway Magazine. Ngunit higit na tumatak sa kanya ang akda  tungkol sa buhay ng Pambansang Bayani at mga sinulat na aklat ni  Dr. Jose Rizal lalo na ang Noli Me Tangere.

         Bilang dating guro ng Filipino sa Mataas na Paaralan kapuna-puna para kay Gng. Enaje ang pagkakaiba ng lebel ng interes ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan sa mag–aaral ng Mababang Paaralan.  Makikita ang kawilihan ng mga bata sa Mababang Paaralan na magbasa ng mga kuwentong Pambata, Alamat at mga Pabula sa Filipino. Samantala, nakalulungkot ayon kay Gng. Enaje na makitang unti-unting bumababa ang interes ng mag-aaral sa mga babasahing Filipino pagtuntong nila ng Mataas na Paaralan.

         Ayon kay Gng. Enaje, malaki ang maitutulong ng pagtangkilik ng mga guro sa mga akdang Filipino upang maimpluwesyahan ang mga mag-aaral ng Xavier na linangin at buhayin ang kanilang interes sa pagbabasa ng mga pantikan at iba pang akdang Filipino. Dagdag pa ni Gng Enaje ang pagbabasa ay dapat maging parte ng buhay ng mga bata sapagkat naniniwala siya na “Ang Batang Nagbabasa Lumalaking Masaya at may Pagmamalasakit sa Iba”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s